Home NATIONWIDE Dating Ateneo players, humarap sa CIDG sa kaso ng pagkalunod ng 2...

Dating Ateneo players, humarap sa CIDG sa kaso ng pagkalunod ng 2 atleta

3
0

MANILA, Philippines – Dumating sa tanggapan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Camp Crame nitong Martes, Hunyo 16 ang ilang dating manlalaro ng men’s basketball team ng Ateneo de Manila University kaugnay ng imbestigasyon sa pagkamatay nina Rene Baterbonia at Divine Adili.

Kabilang sa mga nakita sa CIDG sina Anton Asistio, Mike Nieto, Geo Chiu, Kyle Ong, Tyler Tio, Lars Fjelvang, Dom Escobar, Kymani Ladi, at Josh Lazaro.

Wala sa kanila ang nagbigay ng pahayag sa media.

Nasawi sina Baterbonia at Adili matapos umanong tangayin ng malakas na agos habang nagsasagawa ng training activity sa baybayin ng Dipaculao noong Hunyo 8.

Ayon sa CIDG, nakatuon na ngayon ang imbestigasyon sa posibleng kasong homicide o hazing. Sinabi rin ng ahensya na ang aktibidad ay isinagawa sa isang liblib na lugar na nasa humigit-kumulang 300 metro mula sa beach resort kung saan naka-check in ang koponan.

Sinisiyasat din ng CIDG ang mga alegasyon ng umano’y kuwestiyonableng training practices sa ilalim ni dating head coach Tab Baldwin.

Samantala, humingi na ng paumanhin si Baldwin sa pagkamatay ng dalawang manlalaro sa isang video na inilabas sa social media ng Ateneo apat na araw matapos ang insidente. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here