Home METRO 15 pagbuga ng abo naitala sa Kanlaon

15 pagbuga ng abo naitala sa Kanlaon

3
0

NEGROS ORIENTAL, Philippines – Nakapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ng kabuuang 15 ash emission events mula Lunes sa Bulkang Kanlaon sa Negros Island.

Ayon sa Phivolcs, isa sa pinakahuling ash emission ay naganap alas-8:58 ng umaga nitong Martes.

“This event generated grayish plumes that rose 500 meters above the crater before drifting southwest,” ayon sa Phivolcs.

Ang mga ash emission na naitala mula Hunyo 15 ay nagbuga ng abo na umabot sa taas na 100 hanggang 500 metro, habang tinangay ng hangin ang volcanic materials patimog-kanluran.

Sa loob ng 24 oras, nakapagtala rin ang Phivolcs ng 18 volcanic earthquakes, kabilang ang 11 volcanic tremors na tumagal mula 3 hanggang 101 minuto.

Nananatiling umiiral ang Alert Level 2 sa Kanlaon Volcano.

Pinapayuhan ng Phivolcs ang publiko na huwag pumasok sa loob ng apat na kilometrong Permanent Danger Zone at hinikayat ang mga awtoridad sa aviation na iwasan ng mga sasakyang panghimpapawid ang lugar malapit sa tuktok ng bulkan. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here