Home NATIONWIDE Visayas grid, yellow alert ulit!

Visayas grid, yellow alert ulit!

3
0

MANILA, Philippines – Pinalawig ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang yellow alert status sa Visayas grid nitong Miyerkules mula alas-3 ng hapon hanggang alas-9 ng gabi dahil sa mataas na demand sa kuryente at manipis na operating reserve.

Mas mahaba ito kumpara sa ipinatupad na yellow alert noong Martes na tumagal mula alas-4 ng hapon hanggang alas-8 ng gabi.

Ayon sa NGCP, nasa 2,550 megawatts (MW) ang available capacity ng Visayas grid habang inaasahang aabot sa 2,478 MW ang peak demand.

Sinabi ng grid operator na manipis ang reserbang suplay dahil nananatiling naka-forced outage ang units 1 at 2 ng Therma Visayas Inc., unit 3 ng Panay Energy Development Corporation, at unit 3 ng KEPCO SPC Power Corp.

Dagdag ng NGCP, may 10 power plants na kasalukuyang naka-forced outage habang 12 iba pa ang tumatakbo sa mababang kapasidad.

Dahil dito, nasa kabuuang 984.8 MW ng generating capacity ang hindi magamit sa Visayas grid. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here