Home NATIONWIDE P1.95-B iligal na droga nasamsam, 3,702 suspek arestado nitong Mayo — PDEA

P1.95-B iligal na droga nasamsam, 3,702 suspek arestado nitong Mayo — PDEA

4
0

MANILA, Philippines — Umabot sa P1.95 bilyon halaga ng iligal na droga ang nasamsam ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at iba pang law enforcement agencies sa isinagawang mga operasyon noong Mayo, na nagresulta rin sa pagkakaaresto ng 3,702 drug personalities.

Ayon kay PDEA Director General Isagani Nerez, kabuuang 2,941 anti-drug operations ang isinagawa sa buong bansa sa nasabing buwan.

Bunga nito, nabuwag ang 18 ilegal na pasilidad ng droga, kabilang ang isang clandestine laboratory at 17 drug dens, na ginagamit sa paggawa at distribusyon ng mga ipinagbabawal na gamot.

Kabilang sa mga nakumpiskang droga ang 157.30 kilo ng shabu, 8.99 kilo ng cocaine, 1,711 tableta ng ecstasy, at 2,489.83 kilo ng tuyong dahon at bricks ng marijuana.

Sinabi ni Nerez na napigilan ng mga operasyon ang pagkalat ng malaking dami ng iligal na droga sa mga komunidad, paaralan, at kabahayan sa bansa.

Nasa 238 high-value personalities din ang naaresto, kabilang ang 125 suspek sa high-impact operations, 33 drug den maintainers, 21 target-listed personalities, 20 regional target-listed personalities, at 27 iba pang high-value targets.

Kabilang din sa mga nadakip ang limang halal na opisyal, apat na empleyado ng gobyerno, isang miyembro ng uniformed service, isang dayuhan, at isang resurgent drug personality.

“The inclusion of elected officials, government personnel, and a member of the uniformed service underscores a clear message: position and authority offer no protection from accountability. This operation reflects our continued whole-of-nation approach against illegal drugs,” ani Nerez. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here