Home METRO Estudyante, grinipuhan ng kapwa estudyante sa Ilocos Sur

Estudyante, grinipuhan ng kapwa estudyante sa Ilocos Sur

18
0

ILOCOS SUR — Nasa ospital at nagpapagaling ngayon ang isang 18-anyos na lalaki matapos saksakin ng isang 17-anyos na lalaki sa Candon City, sa lalawigang ito, nitong madaling-araw ng Miyerkules, Hunyo 17.

Ayon sa Candon City Police Station, ang biktima at suspek ay kapwa mga estudyante at residente ng naturang lungsod.

Nasa lamayan ang biktima at nanonood sa mga naglalaro nang bigla siyang hampasin o sampalin sa balikat ng suspek.

Bilang ganti, sinuntok ng biktima ang suspek.

Bumunot umano ng patalim ang suspek at sinaksak nito ang biktima.

Matapos saksakin ang biktima, agad na tumakas ang suspek.

Ang biktima, na nagtamo ng sugat sa dibdib at kaliwang kamay, ay agad namang isinugod sa Candon City Hospital.

Rolando S. Gamoso

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here