Home METRO Higit P3.4M tobats nasabat sa Pasay, kelot arestado

Higit P3.4M tobats nasabat sa Pasay, kelot arestado

3
0

MANILA, Philippines – Nadakip sa ikinasang interdiction operation ng mga tauhan ng Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (IADITG) ang isang 29-taong gulang naa lalaki matapos mag-claim ng dalawang parcel na naglalaman ng mahigit P3.4 milyong halaga ng shabu sa isang mail exchange center, Domestic Road, Pasay City, Marres ng hapon, Hunyo 16.

Kinilala ng IADITG ang inarestong suspek na si alyas Daniel, 29, residente ng Villa Corazon, Purok 2, Cupang, Antipolo City 1870.

Ayon sa IADITG, inaresto ang suspek sa isinagawang interdiction operation dakong alas 5:25 ng hapon makaraang i-claim ang dalawang parcel na nadiskubreng naglalaman ng 505 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P3,434,000 sa Central Mail Exchange Center (CMEC), Domestic Road, Pasay City.

Idineklarang children memory toy at mystery gift pack ang kinumpiskang parcel na parehong galing ng Canada at nakapangalan sa suspek bilang consignee ng naturang parcel.

Ang mga nakumpiskang ebidensya ay dinala sa PDEA Laboratory Service para isailalim ito sa laboratory examination.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Section 4 Art. Il ng RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek sa Pasay City Prosecutor’s Office.

Ang NAIA-IADITG ay binubuo ng mga operatiba ng PDEA RO NCR kabilang ang Bureau of Customs – Customs Anti-Illegal Drugs Task Force (BOC-CAIDTF); PNP Aviation Security Group (AVSEG); Airport Police Department (APD); PNP Drug Enforcement Group (DEG); National Bureau of Investigation (NBI); at ng Bureau of Immigration (BI). (James I. Catapusan/mga larawan ni Jimmy Hao)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here