Home METRO Grupo ng LGBTQ+ nagkasa ng kilos protesta ukol sa pagpapalaya sa mga...

Grupo ng LGBTQ+ nagkasa ng kilos protesta ukol sa pagpapalaya sa mga bilanggong politikal

3
0

MANILA, Philippines – Kinalampag ng grupo ng LGBTQ+ ang tanggapan ng Department of Justice (DOJ) para ipanawagan ang tuluyang pagpapalaya sa lahat ng bilanggong pulitikal.

Kasama dito ang mga aktibistang sina Verdy Pongasi at Alexa Pacalda na umano’y biktima ng human rights violation.

Sigaw ng grupo, illegal ang pag-aresto kay Pongasi na isang queer activist at Convenor ng Kabataan Para sa Karapatan sa Negros sa mga kasong illegal possession of firearms at pampasabog.

Dinampot naman si Pacalda na kasapi naman ng Gabriela Youth noong 2019  at nahatulang guilty sa parehong mga paratang.

Habang aktibista rin umano ng LGBTQ+ community ang tatlo pang mga napatay sa Toboso, Negros Occidental. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here