Home METRO Lalaki natagpuang patay sa loob ng nakaparadang sasakyan sa Nueva Ecija

Lalaki natagpuang patay sa loob ng nakaparadang sasakyan sa Nueva Ecija

3
0

NUEVA ECIJA — Isang hindi pa nakikilalang lalaki ang natagpuang patay sa loob ng isang nakaparadang sasakyan sa bayan ng General Tinio.

Ayon sa Nueva Ecija Police Provincial Office, napansin ng mga residente ang sasakyan noong Martes at iniulat ito sa mga awtoridad kinabukasan.

Nang inspeksiyunin ang sasakyan, nadiskubre ang bangkay ng lalaki na may mga tattoo sa katawan ngunit hindi pa matukoy ang pagkakakilanlan.

Sinabi ni Police Colonel Ritchie Claravall, Acting Director ng Nueva Ecija Police Provincial Office, na may nakitang bahid ng dugo sa katawan ng biktima.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang pagkakakilanlan ng lalaki at ang sanhi ng kanyang pagkamatay.

Kumakalap na rin ng mga CCTV footage ang mga awtoridad upang matunton ang posibleng dinaanan ng sasakyan at makakuha ng karagdagang impormasyon na makatutulong sa imbestigasyon. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here