Home NATIONWIDE No. 1 Most wanted sa gubat, nalambat sa Bulacan

No. 1 Most wanted sa gubat, nalambat sa Bulacan

3
0

Bulacan – Arestado sa bisa ng Warrant of Arrest (WOA) ang rebeldeng komunista na umanoy No. 1 Municipal Level Most Wanted Person sa Gubat, Sorsogon sa joint counterinsurgency operation ng mga awtoridad sa bayan ng San Ildefonso nitong Hunyo 14.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si alyas “Resty”, kabilang sa Periodic Status Report records under Platoon 1, L1, Komiteng Probinsya 3 for the 1st Quarter CY 2019 at 2nd Quarter CY 2022 monitoring periods.

Ayon sa ulat kay PNP Chief PGEN Jose Melencio Nartatez Jr, isinilbi sa target ng mga tauhan ng Regional Directorate for Special Operations, Special Action Force sa koordinasyon ng Anti-Kidnapping Group Luzon Field Unit (AKG LFU) ang WOA sa kasong paglabag sa Presidential Decree No. 1866 as amended by Republic Act No. 8294 and Republic Act No. 9516 na inisyu noong March 1, 2022 ng Regional Trial Court, Branch 54, 5th Judicial Region, Gubat, Sorsogon.

Nabatid na ang naarestong indibiduwal ay dinala sa AKG LFU para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

“Hindi titigil ang PNP sa paghahanap sa mga taong may outstanding warrants. Ipapatupad namin ang batas nang may tapang at walang kinikilingan,” anang heneral. Dick Mirasol III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here