Home NATIONWIDE PCG dogs tumulong sa paggalugad sa mga biktima ng landslide sa Glan,...

PCG dogs tumulong sa paggalugad sa mga biktima ng landslide sa Glan, Sarangani

4
0

MANILA, Philippines – Narekober ng mga awtoridad ang labi ng biktima ng landslide sa Barangay Congan, Glan, Sarangani noong Hunyo 18 sa tulong ng Philippine Coast Guard (PCG) working dogs na sina “Thalia” at “Siri.”

Isinagawa ng PCG, Bureau of Fire Protection, at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ang search and retrieval operation.

Sa pahayag, sinabi ng PCG na ang Coast Guard Working Dogs (CGWDs) na sina Thalia at Siri “once again demonstrated their skill” matapos matagumpay na mahanap ang labi ng biktima.

Agad na itinurn-over sa awtoridad ang labi.

Patuloy naman na pinalalakas ng PCG ang training ng CGWDs nito para palakasin ang search-and-rescue operations, na nakalinya sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pagbutihi ang disaster response preparedness. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here