MANILA, Philippines – Nasabat ng Philippine Coast Guard (PCG) ang nasa P13.4 milyong halaga ng umano’y ismagel na sigarilyo sa operasyon sa Balingasag, Misamis Oriental.
Sa pahayag, sinabi ng PCG na nakumpiska ng mga tauhan nito ang nasa 336 kahon ng hinihinalang ismagel na sigarilyo sa dalawang sasakyan sa Barangay Mambayaan noong Hunyo 12.
Sinabi ng mga awtoridad na ang mga nakumpiskang items ay sumailalim sa tamang dokumentasyon at inventory bago itinurn-over sa Bureau of Customs (BOC) Region X noong Hunyo 15.
Ang operasyon ay isinagawa sa ilalim ng Intensified Community Assistance, Awareness, Response, and Enforcement (iCARE) program ng PCG na layong palakasin ang maritime law enforcement at labanan ang illicit trade. RNT/JGC