Home NATIONWIDE Internal cleansing pinalakas ng PNP kasunod ng pagkakaaresto sa dalawang pulis

Internal cleansing pinalakas ng PNP kasunod ng pagkakaaresto sa dalawang pulis

3
0

MANILA, Philippines – Ipinag-utos ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. ang mas mahigpit na crackdown laban sa mga tiwaling pulis kasunod ng pagkakaaresto sa dalawang active-duty cops na nahaharap sa reklamong rape at domestic violence sa Metro Manila at Mindanao.

“Let these simultaneous arrests serve as a stern warning that our badge and our uniform will never be a shield against the law, and the Philippine National Police will aggressively hunt down anyone within our ranks who believes they can evade accountability,” saad sa pahayag ni Nartatez nitong Linggo, Hunyo 21.

Ani Nartatez, ang pag-aresto sa aktibong mga pulis na nahaharap sa seryosong kriminal na reklamo ay pagsisiguro sa publiko na handa nitong bantayan at panagutin ang mismong mga tauhan nito.

“We are sending a clear message to the public that we will not tolerate any scalawags, and we will actively weed them out in the interest of integrity and trust in the police organization,” aniya.

Noong Hunyo 20 ay naaresto ng PNP-Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) ang aktibong police officer sa Quezon City dahil sa rape.

Inaresto rin ang Police Regional Office 11 Patrolman sa Sto. Tomas, Davao del Norte, ng mga operatiba ng IMEG dahil sa dalawang kaso ng domestic abuse na isinampa ng asawa nito sa ilalim ng Republic Act No. 9262, o Anti-Violence Against Women and Their Children Act.

Ipinag-utos naman ni Nartatez ang agarang pagsisimula ng administrative proceedings laban sa dalawang sangkot na tauhan batay sa panuntunan at regulasyon ng PNP.

Inatasan din nito ang IMEG at iba pang unit na palakasin ang pagbabantay sa mga tauhan na may kaugnayan sa krimen, iligal na droga at domestic abuse complaints. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here