APARRI, Cagayan – Bumagsak sa kamay ng alagad ng batas ang dalawang drug personalities sa isinagawang buybust operation ng Philippines Drugs Enforcement Agency o PDEA Region 2 at Aparri Police Station sa bahagi ng Brgy. Macanaya, Aparri, Cagayan.
Nakuha sa ikinasang joint drug buy bust operation sa bahagi ng Macanaya Aparri a
Sa pinaigting na kampanya laban sa illegal drugs na direktiba ni Regional Director Gil Cesario Castro ng PDEA Region 2 ay naaresto ang mga suspek na itinago sa pangalang Orly, 35 anyos, isang welder at si Ela, 22 anyos, parehong residente sa nasabing bayan.
Ayon kay PMaj. Junniel Perz, hepe ng Aparri Police Station ay sabwatang nagbenta ng shabu ang dalawa na tinaguriang Street Lecel Individual o SLI sa ginamit na poseur buyer.
Nasamsam sa operasyon ang dalawang heat sealed sachet na naglalaman ng nasa humigit kumulang limang gramo ng shabu na nagkakahalaga ng 34 thousand pesos, dalawang unit ng cellphone at ang ginamit na marked money.
Pansamantalang nasa custody ng Aparri Police Station ang dalawang suspek habang inihahanda na ang kasong R.A 9165 o Compregensive Dangerous Drugs Act of 2002. REY VELASCO