Home METRO 16-anyos tinarakan sa leeg sa Maynila, patay

16-anyos tinarakan sa leeg sa Maynila, patay

3
0

MANILA, Philippines – Agad binawian ng buhay ang isang 16-anyos na lalaki matapos saksakin sa Sampaloc, Maynila, madaling araw ng Biyernes, Hunyo 19.

Sa ulat, napag-alaman na sinaksak sa leeg ng kapwa menor de edad habang nag-iinuman sila sa Geronimo Stteet matapos magkaroon ng mainit ang pagtatalo na nauwi sa pananaksak.

Tinulungan naman siya ng ilang batang lalaki bago siya bago bumagsak na sahig kaya dali-dali siyang isinakay sa pedicab papuntang ospital.

Tumakas naman ang suspek na kapwa menor de edad ng biktima na bitbit ang kutsilyong ginamit sa krimen.

Sa follow-up operation ng pulisya, naaresto ang 17 anyos na suspek at dinala sa Boys Town Complex sa ilalim ng kustodiya ng Department of Social Welfare and Development o DSWD.

Sa hiwalay na insidente sa Sampaloc, isa pang menor de edad ang inatake ng grupo ng mga kabataan noong Huwebes, Hunyo 18, kung saan isa sa kanila ang sumaksak sa kanya.

Isinugod sa ospital ang biktima pero nananatili itong walang malay. Sinabi ng mga doktor na tinamaan ang isa sa kanyang mga bato.

Dalawa sa 10 menor de edad na suspek sa insidenteng iyon ang naaresto na at iturn-over sa DSWD. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here