Home NATIONWIDE Tab Baldwin haharap sa NBI sa imbestigasyon ng pagkalunod ng 2 Ateneo...

Tab Baldwin haharap sa NBI sa imbestigasyon ng pagkalunod ng 2 Ateneo players

3
0

MANILA, Philippines – Inaasahang haharap sa National Bureau of Investigation (NBI) ngayong Martes ang dating Ateneo De Manila University men’s basketball team head coach na si Tab Baldwin kaugnay ng imbestigasyon sa pagkamatay ng dalawang Ateneo basketball players na nalunod sa isang team-building activity sa Dipaculao, Aurora noong Hunyo 8.

Kinumpirma ni NBI Director Melvin Matibag na nakatakdang humarap si Baldwin matapos niyang hindi matugunan ang naunang subpoena ng NBI.

Iniimbestigahan ng NBI ang pagkamatay nina Rene Baterbonia at Divine Adili, na nalunod habang nasa isang team-building activity ng koponan.

Nakatakda sanang humarap si Baldwin noong nakaraang Martes, ngunit ang kanyang abogado na si Karl David ang dumalo at nagsabing “not in good condition” ang coach.

Inilipat ang pagdalo ni Baldwin sa Biyernes, ngunit muli siyang hindi nakasipot dahil humarap siya sa imbestigasyon ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng Philippine National Police sa parehong araw.

Samantala, dumalo naman sa NBI Homicide Division nitong Lunes ang mga abogado ni assistant coach CJ Elumba at student manager Paulo Adivoso bilang bahagi ng patuloy na imbestigasyon.

Bago ang insidente, si Baterbonia, 19, ay naglaro sa finals ng Palarong Pambansa at nangakong sasali sa Ateneo Blue Eagles program, habang si Adili, 21, isang Nigerian student-athlete, ay nakalaro sa UAAP Season 88 men’s basketball tournament. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here