Home TOP STORIES Roadmap para sa posibleng pinal na kasunduang pangkapayapaan, napag-ayunan ng US, Iran

Roadmap para sa posibleng pinal na kasunduang pangkapayapaan, napag-ayunan ng US, Iran

4
0

BUERGENSTOCK, Switzerland – Nagkaroon ng unang round ng pag-uusap ang matataas na opisyal ng Estados Unidos at Iran sa Switzerland nitong Lunes, kung saan nagkasundo ang dalawang panig sa isang roadmap na layong makabuo ng pinal na kasunduan sa loob ng 60 araw.

Ayon sa magkasanib na pahayag ng Qatar at Pakistan, magpapatuloy ang technical talks sa buong linggo. Napagkasunduan din ang mekanismo para matigil ang labanan sa Lebanon at ang pagbubukas ng linya ng komunikasyon upang matiyak ang ligtas na pagdaan ng mga barkong pangkalakalan sa Strait of Hormuz.

Pinangunahan ni US Vice President JD Vance ang pakikipagpulong sa mga opisyal ng Iran. Samantala, sinabi ni Iranian Foreign Minister Abbas Araqchi na nakakuha ang kanilang bansa ng mga waiver para sa pag-export ng langis at petrochemical products, pagpapalaya ng ilang nakapirming assets, at pagsisimula ng reconstruction at development plan para sa Iran.

Bago magsimula ang usapan, muling nagbanta si US President Donald Trump na aatakehin ang Iran kung muli nitong isasara ang Strait of Hormuz. Iginiit naman ng Iran na kailangan munang matupad ang ilang bahagi ng naunang memorandum of understanding (MOU), kabilang ang pagpapalaya ng assets at pagpayag sa pag-export ng langis.

Sa kabila ng magkakaibang ulat mula sa magkabilang panig, sinabi ng mga opisyal na natalakay sa usapan ang Strait of Hormuz, sitwasyon sa Lebanon, usaping nukleyar, at pagpapatupad ng MOU.

Matapos ilabas ang joint statement, bumaba pa ang presyo ng langis sa pandaigdigang merkado. Patuloy namang binabantayan ng mundo ang sitwasyon sa Lebanon at ang pagbubukas ng Strait of Hormuz, na mahalagang daanan ng suplay ng enerhiya sa buong mundo. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here