MANILA, Philippines – Sinabi ng Philippine National Police (PNP) nitong Lunes na wala pa silang natatanggap na warrant of arrest laban kay Senador Marcoleta.
Ayon kay PNP Public Information Chief Col. Allen Rae Co, wala pang opisyal na komunikasyon na dumarating sa kanilang tanggapan kaugnay ng anumang warrant.
“As of now, the PNP has not received an official communication regarding a warrant,” ani Co sa isang press briefing sa Camp Crame.
Dagdag pa niya, ipatutupad ng PNP ang anumang warrant na magmumula sa isang may awtoridad na hukuman o ahensya.
“Just like any other warrants, once we receive a warrant, just like any other warrant from a competent authority, we will implement,” dagdag niya. RNT/MND