Home HOME BANNER STORY 2 suspek sa pamamaril sa paaralan sa Tacloban, arestado na

2 suspek sa pamamaril sa paaralan sa Tacloban, arestado na

16
0

TACLOBAN, Philippines – Arestado na ang dalawang suspek sa pamamaril sa loob ng isang paaralan sa Tacloban City nitong Lunes, ayon sa Police Regional Office-Eastern Visayas (PRO-8).

Sinabi ni PRO-8 Director Brig. Gen. Jason Capoy na agad na nahuli ang unang suspek sa loob mismo ng paaralan matapos ang insidente.

“As to the first culprit, our suspect here, right after the incident, we caught him in the school,” saad ni Capoy.

Nahuli naman ang ikalawang suspek sa Barangay 87, malapit sa paaralan sa San Jose, sa tulong ng mga residente na kusang tumulong sa paghahanap sa kanya.

“The second… We caught him right there in Barangay 87 also, near the school in San Jose. Some neighbors, some civilians, voluntarily looked for the child suspect. That’s how they managed to call the police and we caught him soon after,” dagdag niya.

Naganap ang pamamaril bandang alas-9 ng umaga sa loob ng paaralan sa Barangay San Jose.

Ayon kay Capoy, tatlong estudyante ang nasawi habang pito naman ang nasugatan sa insidente.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang motibo at iba pang detalye ng isa sa pinakamalalang insidente ng pamamaril na naganap sa isang paaralan sa Tacloban City. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here