Home NATIONWIDE Padilla, binuhay pagsusulong sa pagbaba ng criminal liability age kasunod ng Tacloban...

Padilla, binuhay pagsusulong sa pagbaba ng criminal liability age kasunod ng Tacloban shooting

4
0

MANILA, Philippines – Muling nanawagan si Senador Robin Padilla na amyendahan ang Juvenile Justice and Welfare Act at ibaba sa 10 taong gulang ang minimum age of criminal liability kasunod ng madugong pamamaril sa isang paaralan sa Tacloban City.

Tatlong estudyante ang nasawi at pito ang nasugatan sa insidente. Natukoy ng mga awtoridad na 14 at 15 taong gulang ang mga suspek.

“Sa aking mga kasamang senador, sana bigyan niyo naman ho ng panahon at pagkakataon ‘yung aking panukala, i-amend na natin ‘yang Juvenile ano na ‘yan,” ani Padilla sa mga mamamahayag.

Sa ilalim ng Republic Act No. 9344 o Juvenile Justice and Welfare Act, exempted sa criminal liability ang mga batang 15 taong gulang pababa. Ayon sa mga awtoridad, sasailalim sa intervention program ng social welfare office ang 14-anyos na suspek, habang susuriin naman ng City Social Welfare and Development Office ang 15-anyos upang matukoy kung kumilos ito nang may discernment.

“Kasi talagang ang dami na eh, nasa mukha na natin. Alam ninyo, hindi lang dito sa Pilipinas na merong ganiyan na yung edad eh ibinababa,” dagdag ng senador.

Sinabi ni Padilla na marami na siyang nakikitang insidente na sangkot ang mga menor de edad sa mga kasong tulad ng panggagahasa, pagpatay at pagnanakaw. Aniya, maaari ring talakayin ang isyu sa isang special session ng Kongreso.

“Immediate, kung ganito na nagagaya na tayo sa Amerika na may namamaril na sa loob ng paaralan, siguro ito yung panahon na kung seseryosihin natin ito, ito yung pang-special session,” aniya.

Iginiit pa ni Padilla na bukas naman ang Pilipinas sa pag-angkop ng mga polisiya mula sa ibang bansa kaya dapat ding pag-aralan ang pagpapababa ng edad ng criminal liability. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here