Home NATIONWIDE Mataas na bilang ng mga nasawi posible sa M-7.5, M-7.2 na lindol...

Mataas na bilang ng mga nasawi posible sa M-7.5, M-7.2 na lindol sa Venezuela

4
0

VENEZUELA – Posible ang mataas na bilang ng mga nasawi sa magkasunod na malakas na lindol na tumama sa Venezuela nitong Miyerkules ng hapon, Hulyo 24, lokal na oras.

Ang magnitude 7.2 na lindol ay tumama 160 kilometro kanluran ng Caracas na sinundan ng magnitude 7.5 na lindol, ayon sa US Geological Survey (USGS).

“High casualties and extensive damage are probable and the disaster is likely widespread,” sinabi ng USGS kung saan posible ang death toll na mula 10,000 hanggang 100,000.

Hindi pa nagbibigay ng impormasyon ang mga awtoridad sa bilang ng mga nasawi o nasaktan ngunit napaulat na maraming mga gusali at tirahan ang gumuho.

“We have buildings, homes and houses which have collapsed and we are taking care of things with everything we have available in terms of security, civil assistance,” pahayag ni Interior Minister Diosdado Cabello.

“The fire department, police all have been activated.” RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here