MANILA, Philippines – Umakyat na sa 188 ang nasawi habang 1,520 ang nasugatan matapos tumama ang magkasunod na malalakas na lindol sa Venezuela na nagdulot ng malawakang pinsala sa kabisera nitong Caracas at mga karatig-lugar.
Ayon kay interim President Delcy Rodriguez, nasa 200 katao pa ang pinaniniwalaang na-trap sa mga gumuhong gusali habang nagpapatuloy ang search and rescue operations. Naitala ang magnitude 7.2 na lindol malapit sa San Felipe alas-6:04 ng gabi noong Miyerkules, na sinundan halos kaagad ng magnitude 7.5 na lindol malapit sa Yumare, ayon sa United States Geological Survey (USGS).
“Dozens of buildings have collapsed, and we are currently carrying out very intense rescue efforts to save as many lives as God allows us to save,” Rodriguez said. “I also want to say that this is a true tragedy. From here, we send our message of solidarity, and to those families who have lost loved ones, we reaffirm our condolences and our support in these difficult hours.”
Ayon sa USGS, posibleng umabot sa libo-libo ang bilang ng mga nasawi, na maaaring nasa pagitan ng 10,000 hanggang 100,000 katao. Nagpadala at nag-alok na rin ng tulong ang ilang bansa, kabilang ang Estados Unidos, Brazil, Australia, El Salvador at Dominican Republic, habang nanawagan ang United Nations ng malayang daloy ng impormasyon sa gitna ng sakuna.
Ayon sa mga awtoridad, mas lumala ang pinsala dahil malaking bahagi ng populasyon ng Venezuela ay nakatira sa mga lugar na madalas makaranas ng lindol at maraming gusali ang hindi idinisenyo upang makayanan ang malalakas na pagyanig. Dave Baluyot