Home NATIONWIDE Bagyong Gardo, lalabas ng Pinas ngayong Biyernes

Bagyong Gardo, lalabas ng Pinas ngayong Biyernes

5
0

MANILA, Philippines – Inaasahang hihina at lalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong Biyernes ang Severe Tropical Storm Gardo (international name: Higos), ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Alas-4:00 ng madaling araw, namataan ang bagyo sa layong 1,280 kilometro silangan-hilagang silangan ng pinakahilagang bahagi ng Luzon.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 95 kph malapit sa gitna at pagbugsong hanggang 115 kph habang kumikilos pahilagang hilagang-kanluran sa bilis na 25 kph. Ayon sa PAGASA, mananatiling malayo sa kalupaan ang bagyo kaya walang nakataas na tropical cyclone wind signal sa anumang bahagi ng bansa.

Gayunman, magdadala ang habagat ng malalakas hanggang napakalalakas na pagbugso ng hangin sa malaking bahagi ng Luzon at malalakas na pag-ulan sa Zambales, Bataan, at Occidental Mindoro.

Inaasahan din ang maalong karagatan sa baybayin ng Batanes kaya pinayuhan ang mga sakay ng maliliit na sasakyang pandagat, kabilang ang mga de-motor na bangka, na huwag munang pumalaot. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here