Home METRO P1.8-M iPhone tinangay sa gadget store sa Davao City

P1.8-M iPhone tinangay sa gadget store sa Davao City

4
0

MANILA, Philippines – Tinangay ng mga kawatan ang 101 iPhone units na nagkakahalaga ng tinatayang P1.8 milyon matapos nilang looban ang isang gadget store sa Brgy. Toril Proper, Davao City nitong Miyerkules ng umaga.

Batay sa CCTV footage, tatlong lalaki ang pumasok sa tindahan at isa-isang kinuha ang mga cellphone sa mga istante bago inilagay sa kanilang mga dalang bag.

Bukod sa mga cellphone, tinangay rin ng mga suspek ang mahigit P24,000 na kita ng tindahan.

Nadiskubre lamang ng may-ari ang insidente nang mapanood ang CCTV footage at makitang wasak ang dalawang padlock ng roll-up door ng establisimyento.

Tumakas ang mga suspek sakay ng isang puting van. Sa pagsusuri ng pulisya sa CCTV, napag-alamang anim na lalaki at dalawang babae ang sakay ng sasakyan na patuloy ngayong iniimbestigahan upang matukoy at maaresto ang mga responsable. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here