Home HOME BANNER STORY 3 studes nahulihan ng baril at patalim sa loob ng iskul sa...

3 studes nahulihan ng baril at patalim sa loob ng iskul sa Cagayan

4
0

APARRI, Cagayan – Tatlong estudyante ang nahulihan at nasamsaman ng isang caliber .38 na baril at isang patalim sa loob ng isang paaralan sa Aparri, Cagayan, bandang 11:28 ng umaga ngayong Biyernes.

Nadiskubre ang mga armas habang nagsasagawa ng inspeksyon sa mga backpack ng mga estudyante ang mga tauhan ng 1st Maneuver Force Platoon ng 2nd Provincial Mobile Force Company sa harap ng school principal.

Narekober ang caliber .38 na baril mula sa isang 15-anyos na Grade 10 student, habang isang kitchen knife naman ang nakuha sa isang 14-anyos na Grade 8 student.

Posibleng may kaugnayan sa umano’y pag-cutting classes at personal na alitan ang pagdadala ng dalawang estudyante ng mga naturang armas sa loob ng paaralan.

Nakatakdang isailalim sa counselling ang tatlong mga estudyante at patuloy nq pagbabantay ng mga kapulisan upang maiwasan ang ano mang insidente sa loob ng paaralan. Rey Velasco

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here