Home NATIONWIDE Dating konsehal itinumba patay sa Bataan

Dating konsehal itinumba patay sa Bataan

5
0

BATAAN- Patay ang isang dating Barangay Kagawad matapos pagbabarilin ng mga hindi pa nakilalang salarin nitong Biyernes ng umaga, Hunyo 26, sa Sitio Maligaya, Barangay Culis, Hermosa.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, bandang alas 9:00 ng umaga ng maganap ang pamamaril.

Kinilala ng pulisya ang biktimang si Norman Dalit, 42 anyos, dating Barangay Kagawad sa nabanggit na lugar.

Sa inisyal na imbestigasyon, bigla umanong sumulpot ang isang puting van na hindi naplakahan sa harap ng bahay ng biktima kung saan bumaba ang mga suspek at walang habas na pinagbabaril ang biktima na nasa loob ng kanilang bakuran.

Mabilis tumakas ang mga suspek matapos ang pamamaril.

Gumugulong pa ang imbestigasyon ng pulisya para sa posibleng pagkakakilanlan ng mga suspek at motibo sa krimen. ROEL TARAYAO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here