Home NATIONWIDE Prosekusyon maaaring i-waive ilang articles kung matibay na ebidensya vs VP Sara

Prosekusyon maaaring i-waive ilang articles kung matibay na ebidensya vs VP Sara

4
0

MANILA, Philippines – Layon ng House prosecution panel na ipresenta ang kinakailangang ebidensya para sa lahat ng apat na articles of impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.

Sa kabila nito, posible rin naman umano na hindi na ipresenta ang ilang witness o article kung ang ebidensyang naipresenta sa korte ay matibay na.

“Pero hindi naman ibig sabihin non ay lahat ‘yan ay masusunod kasi unang una, halimbawa po, kasi ito po ay binase namin sa number ng witnesses na meron po kami,” sinabi ni House Prosecutor Representative Joel Chua sa panayam ng DZBB nitong Linggo, Hunyo 28.

“Pero may pagkakataon po kasi na halimbawa [sa] isang araw, dalawa o tatlong testigo ang maipresenta namin so mababawasan din po yan,” dagdag niya.

Noong Lunes, humiling ang House prosecutors ng 63 trial dates para sa impeachment trial, o doble sa 30 araw na hinihingi ng depensa.

“Halimbawa, dumating po pagkaraan po ng dalawang articles ay tingin po namin ay may sapat na numero na at talagang matibay-tibay na yung ebidensya na nairepresenta namin ay pwede naman din po dumating ang pagkakataon na i-waive na namin ‘yung ibang articles,” sinabi ni Chua.

Naunang sinabi ni Senate President Sherwin Gatchalian na mayroong 10,000 piraso ng ebidensya na minarkahan para ipresenta sa impeachment trial.

Ipinaliwanag ni Chua na sa isyu pa lamang ng confidential funds ay mayroon nang 4,000 acknowledgment receipts.

Dumoble ang bilang na ito matapos tumanggi ang defense team sa common marking ng ebidensya.

“Ibig sabihin po sa isang dokumento pwedeng ‘yung defense at ‘yung prosecution ay doon na lang magmarka sa isang dokumento pero ang nangyari po kasi dahil ayaw pumayag ng defense at gusto po nila ay separate marking… so ‘yung 4,000 [na] dokumento naging 8,000,” paliwanag ni Chua.

“Wala pong bibitiw, basta tayo po ay gagawin lang po namin sa abot ng aming makakaya lahat ng aming magagawa para maipresenta po sa ating mga kababayan at sa impeachment court ang mga ebidensya base po sa per artikulo.”

Ani Chua, ang tanging apela lamang nila sa Senate impeachment court ay bigyan sila ng oportunidad na ipresenta ang lahat ng kanilang ebidensya nang maayos, at sinabing ang impeachment trial ay tungkol sa accountability. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here