Home NATIONWIDE Piloto, 10 parachutists patay sa plane crash sa France

Piloto, 10 parachutists patay sa plane crash sa France

4
0

FRANCE – 11 katao, kabilang ang piloto at 10 parachutists ang nasawi matapos bumagsak ang maliit na eroplano sa Tomblaine, France.

Ang naturang eroplano na ginagamit ng parachuting school at may sakay na limang trainee parachutists, limang instructor, at ang piloto ay bumagsak matapos mag-take off mula sa Nancy-Essey airport.

Nakita mismo ng mga miyembro ng pamilya ng ilang trainee ang pagbagsak ng eroplano, ayon kay Interior Minister Laurent Nunez.

“The plane crashed about 300 meters from the runway,” ani Nunez.

“The emotion here is intense.”

“Give or take a few meters and the accident could have caused collateral casualties,” ayon naman kay Yves Seguy, regional prefect.

Ayon sa ulat ng media, ang eroplano ay nakarehistro sa Germany.

Wala pang komento ang foreign ministry ng Germany kaugnay nito.

Hindi pa malinaw kung ang may ambag sa aksidente ang matinding init ng panahon kung saan naitala ang pinakamataas na temperatura sa kasaysayan sa Nancy, lungsod malapit sa Tombaline. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here