MANILA, Philippines – Hinikayat ni DOLE Secretary Francis N. Tolentino ang Employers Confederation of the Philippines o ECOP na tumulong sa pagbuo at pagsulong ng Progressive Wage Model o PWM sa meeting nila noong Hunyo 26, 2026 sa Makati City.
Ito ay productivity-linked wage system kung saan tataas ang sweldo ng mga lower-wage worker habang gumagaling sila sa skills, nadadagdagan ang experience, o napapataas ang productivity.
Sinusuportahan nito ang direktiba ni PBBM na palakasin ang workforce at negosyo sa pamamagitan ng skills development at de-kalidad na trabaho.
Layon ng gobyerno na magkaroon ng mas matatag na labor market: mas magaling at mas mataas ang kita ng manggagawa, habang competitive at lumalago ang negosyo.
Binigyang-diin ni Tolentino na ang sustainable employment ay nakabatay sa proteksyon ng manggagawa at viability ng negosyo.
Hiniling sa ECOP na makipagtulungan sa DOLE para i-develop ang PWM kada sektor at skills level.
Siguraduhing dahan-dahan, predictable ang pagtaas ng sweldo at may suporta mula sa TESDA training at productivity programs ng gobyerno.
Layon ng modelo na suportahan at hindi palitan ang kasaluyang minimum wage system sa bansa.
Sinimulan na ito noong Hunyo 16, 2026 sa construction industry sa ilalim ng Voluntary Adoption Advisory, bilang unang hakbang katuwang ang mga employer. Jocelyn Tabangcura-Domenden