Home HOME BANNER STORY Klase sa paaralan sa Batangas sinuspinde sa banta ng pamamaril

Klase sa paaralan sa Batangas sinuspinde sa banta ng pamamaril

2
0

MANILA, Philippines – Sinuspinde ang pasok sa lahat ng antas at on-site school activities sa
Batangas City Integrated High School (BCIHS) ngayong Lunes, Hunyo 29 dahil sa banta ng pamamaril.

Ayon sa BCIHS, suspendido ‘until further notice’ ang mga klase at aktibidad sa naturang paaralan.

“This precautionary measure is being implemented to ensure the safety and security of all learners, teaching and non-teaching personnel, parents, and other members of the school community.”

“Everyone is advised not to enter or proceed to the school premises while the suspension remains in effect,” dagdag pa.

Nakikipag-ugnayan na ang BCIHS sa mga awtoridad.

Sa panayam ng DZBB, sinabi ni Police Lieutenant Sharen Ama ng Batangas City Police-Public Information Office, na nakatanggap umano ng banta ang paaralan sa Facebook page nito at sinabing tatargetin ng pamamaril ang mga estudyante mula Grade 7 hanggang Grade 10.

Ang dummy account na nagbanta ay isang Grade 10 student umano na biktima ng bullying.

“Sa ngayon po ay ongoing po ‘yung ating investigation,” ani Ama.

Nagsagawa na rin ng pagpupulong ang mga opisyal ng paaralan. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here