PAMPANGA, Philippines – Gumuho ang bahagi ng kisame ng Candaba Municipal Trade Center sa Candaba, Pampanga bandang 8:00 a.m. nitong Lunes matapos bumigay ang lighting system sa loob ng covered court.
Ayon kay Pampanga police director Col. Ricardo David, bumagsak ang ilang bahagi ng kisame at nagkalat ang mga debris sa sahig.
Wala namang naiulat na nasawi o nasugatan sa insidente. RNT/MDS