Home HOME BANNER STORY Religious group, nagsagawa ng biglaang rally sa EDSA

Religious group, nagsagawa ng biglaang rally sa EDSA

4
0

MANILA, Philippines – Libu-libong umano’y miyembro ng isang religious group ang nagtipon sa People Power Monument sa EDSA-White Plains nitong Martes ng madaling araw, na nagdulot ng abala sa mga motorista kasabay ng morning rush hour.

Ayon sa pulisya, umabot sa tinatayang 7,000 ang dumalo sa pagtitipon bandang alas-7 ng umaga.

Sinabi ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Regional Director Maj. Gen. Anthony Aberin na wala pang naipapakitang permit ang grupo para sa naturang pagtitipon.

Hindi pa kinukumpirma ng mga awtoridad ang organizer ng protesta, bagama’t nauna nang sinabi ng MMDA Metrobase na ang mga kalahok ay mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (INC).

Sa isang pahayag, sinabi ng INC na layunin ng pagtitipon na tutulan ang planong pagsasampa ng kasong plunder laban kay Senator Rodante Marcoleta.

“Kahit ipakulong nila si Sen. Marcoleta ay hindi kami titigil sa paghingi ng katarungan para sa mga kababayan natin na ninakawan,” ayon kay INC spokesperson Edwil Zabala.

Sinabi naman ni Philippine National Police chief Gen. Jose Melencio Nartatez na patuloy nilang minomonitor ang tinawag nilang “emergency rally” ng isang religious organization sa EDSA. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here