Home HOME BANNER STORY PBBM kinansel 2 aktibidad, tumutok sa ’emergency rally’ ng INC

PBBM kinansel 2 aktibidad, tumutok sa ’emergency rally’ ng INC

3
0

MANILA, Philippines — Hindi dumalo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa dalawang nakatakda niyang pampublikong aktibidad nitong Martes habang mino-monitor ang sitwasyon kaugnay ng isinagawang kilos-protesta sa kahabaan ng EDSA malapit sa People Power Monument sa Quezon City.

Nakatakda sanang pangunahan ng Pangulo ang inagurasyon ng MV Nilad, isang makabagong sasakyang-pandagat para sa paglilinis ng karagatan, sa South Harbor sa Port Area. Gayunman, si Acting Transportation Secretary Giovanni Lopez ang naghatid ng mensahe ng Pangulo sa naturang programa.

Kinumpirma rin ni Presidential Communications Office Acting Secretary Dave Gomez na hindi na rin dadalo ang Pangulo sa Presidential Luncheon ng Foreign Correspondents Association of the Philippines na nakatakda sa tanghali sa Makati.

Ayon kay Gomez, nananatiling nakatutok si Pangulong Marcos sa mga kaganapan kaugnay ng kilos-protesta sa EDSA.

Batay sa mga ulat, nagdulot ng mabigat na daloy ng trapiko ang isinagawang protesta ng ilang grupo sa paligid ng People Power Monument.

Sa kabila nito, sinabi ni Gomez na magpapatuloy ang iba pang nakatakdang gawain ng Pangulo sa Malacañang. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here