Home NATIONWIDE INC, lipat-protesta sa Liwasang Bonifacio sa Maynila; QC umayaw na

INC, lipat-protesta sa Liwasang Bonifacio sa Maynila; QC umayaw na

3
0

MANILA, Philippines – INANUNSYO ng Iglesia ni Cristo (INC) nitong Miyerkules na ililipat nito ang protesta sa Liwasang Bonifacio sa Maynila.

Ito ay matapos bawiin ng Quezon City Department of Public Order and Safety ang permit ng kanilang rally para sa Hulyo 2.

“We will go to the place where we can gather, without the need to secure a permit. Let us see one another at Liwasang Bonifacio in Manila,” ayon sa mga organizer.

Sa ilalim ng Public Assembly Act of 1985, hindi na kailangan ng permit para magsagawa ng pagtitipon sa Liwasang Bonifacio, na itinalagang isang freedom park. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here