Home TOP STORIES Vatican nagdeklara ng schism laban sa Society of St. Pius X

Vatican nagdeklara ng schism laban sa Society of St. Pius X

3
0

VATICAN – Nagpatupad ang Vatican ng mahigpit na parusa laban sa traditionalist group na Society of St. Pius X (SSPX) matapos itong magtalaga ng apat na bagong obispo nang walang pahintulot ng Santo Papa.

Idineklara ng Vatican na ang pagtatalaga sa mga obispo ay isang “schismatic act” o paghiwalay sa Simbahang Katolika. Dahil dito, itinuring din nitong nasa schism ang buong SSPX.

Inanunsyo rin ng Vatican ang ekskomunikasyon sa apat na bagong obispo at dalawa pang obispo na lumahok sa seremonya sa seminaryo ng SSPX sa Econe, Switzerland.

Binalaan din ng Vatican ang mga mananampalatayang dumadalo sa mga misa ng SSPX na itigil ito. Ayon sa Vatican, ang mga pormal na sumusuporta sa grupo ay maituturing ding nasa schism at ekskomunikado.

Bukod dito, sinabi ng Vatican na hindi na balido ang mga sakramento ng kumpisal at kasal na isinasagawa ng mga pari ng SSPX. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here