Manila, Philippines – Hindi itinago ni Liana Rosales ang pagkagulat nang takasan ng kanyang amang si Jeremiah Rosales ang rehab facility staff na sumundo sa kanya nitong June 21 sa bahay nila sa Antipolo City.
Si Liana, 21, ang bagong VMX star–second sa apat na magkakapatıd na anak nina Jeremiah at Jhen Go.
Nakapanayam ng PEP si Liana–bale pamangkin ni Jericho Rosales.
Nagulat daw si Liana sa ginawang pagtakas ng ama, na nagtungo’t nagtago sa Bicol.
“Kaya lang po namin ginagawa ‘yon para din sa kanya. Para magtino siya kasi matanda na siya!” ani Liana of her 40-year-old dad.
Lumalabas daw na sa halip na magpakatatay si Jeremiah sa kanyang mga anak, sila pang mga magkakapatid ang nagsisilbing magulang niya.
Samantala, May 2025 nang pumirma ng kontrata si Liana sa VMX.
Hindi siya naging active sa showbiz dahil umano sa kanyang selosong nobyo.
Pero dahil break na sila, Liana vowed to focus on her showbiz career.
Nais ni Liana na makilala bilang wholesome actress dahil hindi daw siya sanay magpa-sexy.
Aminado si Liana na against ang kanyang Tito Jing (Jericho) sa pagpasok niya sa VMX. Ronnie Carrasco III