Home NATIONWIDE Parusa ng Tsina kay Teodoro, di nakatutulong- PBBM

Parusa ng Tsina kay Teodoro, di nakatutulong- PBBM

3
0

MANILA, Philippines – Hindi nakatutulong ang parusang ipinataw ng Tsina laban kay Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr.

“The declaration of Beijing as Secretary Teodoro as a persona non grata (unwelcome), it’s very unhelpful in my view because it achieves very little,” ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa isang panayam.

“It’s not just helpful. It’s China’s prerogative to do what they please… It raises the level of tension rather than lessens it,” aniya pa rin.

Sa kabila nito, sinabi ni Pangulong Marcos na ipagpapatuloy ng Pilipinas ang pakikipag-usap sa Tsina “both in government-to-government, in the commercial level, [and] purely on a personal level.”

“Everything that we can is being explored and cutting off another line of communication, which is through our defense ministries, I do not see how it will help the process that we’re trying to manage the tensions,” anito pa rin.

Sa ulat, ipinagbawal na ng pumasok sa mainland China, Hong Kong, at Macau si Philippine Defense Secretary Gilberto ”Gibo” Teodoro Jr., kanyang asawa at anak.

Bawal din ang kahit anong transaksyon o pakikipag-ugnayan ng mga kumpanya sa China sa kanila.

Ginawa ang hakbang dahil sa umano’y “maling pahayag” ng kalihim laban sa kanila, na ayon sa Beijing ay nakakasira sa relasyon ng dalawang bansa at sa kanilang interes.

Hindi naman tinukoy ng China kung alin mismong pahayag ang kanilang tinutukoy.

Matatandaang patuloy ang tensyon ng Pilipinas at China sa pinag-aagawang karagatan, kung saan inaangkin ng China ang buong teritoryo sa rehiyon. Kamakailan, nagkaroon din ng panibagong reklamo ang Pilipinas laban sa China dahil sa presensya umano ng isang barko sa pinag-aagawang lugar. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here