Home METRO Mga menor na sumaksak sa Gr. 8 sa Las Piñas, may ‘discernment’,...

Mga menor na sumaksak sa Gr. 8 sa Las Piñas, may ‘discernment’, kakasuhan

4
0

MANILA, Philippines – Nakatakdang sampahan ng pormal na reklamo ang mga menor de edad na sangkot sa pagkuyog at pananaksak sa isang Grade 8 student sa Las Piñas City, ayon sa pulisya nitong Linggo.

Sinabi ni Police Colonel Fermin Armendarez, Chief of Police ng Las Piñas PNP, na stable na ang kondisyon ng 13-anyos na biktima matapos magtamo ng mga saksak sa leeg, balikat, at likod.

“Yung base sa follow up natin, stable condition na at nagpapagaling nalang sa Perpetual hospital,” sabi ni Armendarez.

Nakatanggap na ang pulisya ng Certificates of Discernment mula sa Department of Social Welfare and Development para sa apat na menor de edad na sangkot sa insidente. Hinihintay pa ng mga awtoridad ang certificate para sa isa pang menor de edad na napatunayang direktang nanaksak sa biktima.

“Nakakuha na po tayo ng DSWD certification doon sa evaluation na may discernment, against the rescued CICL. Today we are scheduled to file a case against them. Dalawang cases, against the primary or yung sumaksak talaga ay Frustrated murder…attempted, yung sa apat,” paliwanag ni Armendarez.

“Yung pending pa yung evaluation ng DSWD [sa isa pang menor de edad], pero hopefully tomorrow this station will be furnished a copy of the evaluation of the result and subsequently we will file a case,” dagdag niya.

Ang Certificate of Discernment ay opisyal na assessment report ng isang certified social worker na nagpapatunay na nauunawaan ng menor de edad ang tama at mali, at may kamalayan sa parusa o consequences nang gawin ang krimen. Mahalaga ang dokumento sa pagsasampa ng reklamo laban sa mga menor de edad.

Dalawa sa mga sangkot ay 15-anyos, dalawa ang 16-anyos, at isa ang 17-anyos. Apat sa kanila ay out-of-school youth, habang ang isa ay estudyante sa ibang paaralan.

Naganap ang insidente dakong 7:11 ng gabi noong Huwebes matapos lumabas ng paaralan ang biktima kasama ang kanyang 15-anyos na kaibigan upang bumili sana ng inumin sa kalapit na convenience store. Hinarang umano sila ng limang menor de edad sa labas, binato muna ng hollow blocks, bago nasaksak ang 13-anyos na biktima. Nakailag naman sa saksak at nakatakas ang kaibigan ng biktima.

Sinabi ng pamunuan ng Las Piñas High School na nakikipag-ugnayan na sila sa mga magulang ng biktima at magsasagawa rin ng sariling imbestigasyon. Nanawagan din ang paaralan sa publiko na huwag magpakalat ng maling impormasyon. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here