Home HOME BANNER STORY Hulyo 12, pinadedeklarang “National West Philippine Sea Victory Day”

Hulyo 12, pinadedeklarang “National West Philippine Sea Victory Day”

3
0

MANILA, Philippines – Muling nanawagan ang civil society coalition na Atin Ito sa pamahalaan na ideklara ang Hulyo 12 bilang National West Philippine Sea Victory Day kasabay ng pagsisimula ng paggunita sa ika-10 anibersaryo ng 2016 arbitral ruling na kumilala sa karapatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

“July 12 is more than a date in our history, it is a reminder that truth, international law, and the courage of the Filipino people prevailed,” ani Atin Ito co-convenor Rafaela David.

“Declaring it as National West Philippine Sea Victory Day will help preserve this victory in our national memory, strengthen public awareness and education, and ensure that future generations are equipped to reject disinformation and defend what is rightfully ours,” dagdag niya.

Noong 2016, nagpasya ang international arbitration tribunal sa The Hague na ang pag-angkin ng China sa South China Sea ay may “no legal basis,” ngunit hindi kinikilala ng Beijing ang naturang desisyon.

Ayon sa Atin Ito, nauna nang nagpatibay ang Cebu City ng resolusyon na nagdedeklara sa Hulyo 12 bilang “West Philippine Sea Victory Day,” na ikinatuwa ng Department of National Defense. Naghain din ng mga panukalang batas sa House of Representatives noong 2019 at 2023 upang gawing opisyal na paggunita ang naturang petsa.

Bilang bahagi ng pagdiriwang, daan-daang mangingisda mula sa Zambales ang gumamit ng halos 80 bangkang pangisda upang mabuo ang kulay ng watawat ng Pilipinas at ang katagang “WPS, ATIN ITO!”

“Habang ipinagdiriwang natin ang ika-sampung anibersaryo ng ating makasaysayang tagumpay, muli nating pinagtitibay ang ating paninindigan para sa mahal nating West Philippine Sea. Ang tagumpay sa arbitral ruling ay mahalaga, ngunit hindi pa tapos ang laban. Hanggang patuloy ang panghihimasok at agresyon ng Tsina sa ating karagatan, patuloy din tayong maninindigan at lalaban para sa ating karapatan,” ani Leonardo “Ka Nards” Cuaresma, president ng New Masinloc Fishermen Association.

Samantala, nanawagan ang think tank na Stratbase Institute sa pamahalaan na pabilisin ang modernization ng Armed Forces of the Philippines upang matugunan ang mga banta sa West Philippine Sea.

“The Arbitral Award gave the Philippines legal standing; the next decade must deliver strategic strength,” ani Stratbase president Dindo Manhit.

“National security today requires a whole-of-society effort involving government, civil society, academia, media, the private sector, faith-based organizations, and international partners working together to strengthen resilience and uphold the rules-based international order,” dagdag niya. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here