Home METRO P39K benta sa tindahan nilustay ng babaeng lulong sa scatter

P39K benta sa tindahan nilustay ng babaeng lulong sa scatter

2
0

Bulacan – Arestado ang isang babaeng lulong sa online gambling matapos lustayin ang bentang P39,000 sa tindahan sa bayan ng Bocaue nitong Hulyo 2.

Sa imbestigasyon ng Bocaue police station, inamin ng suspek sa kanyang reliever habang isinasagawa ang turnover ng tungkulin na nalustay niya ang benta ng tindahan sa sugal na online scatter.

Nasa kabuuang P39,000 benta ang kanyang nalustay sa pamamagitan ng online gambling at isinagawa umano ang transaksyon sa ibat-ibang oras.

Nahaharap ang suspek na itago sa alyas “Girl” sa kasong Qualified Theft habang nasa kustodiya ng istasyon.

Sinasabing maraming nahuhumaling sa naturang sugal dahil sa makailang patikim nitong panalo sa una hanggang sa malulong at laging matalo kalaunsn na ang resulta ay magpapahirap lalo sa kanilang buhay kaya nagagawang mangupit at magnakaw. Dick Mirasol III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here