Home NATIONWIDE P78M lotto jackpots, mailap

P78M lotto jackpots, mailap

10
0

MANILA, Philippines — Walang bettor ang nakakuha ng jackpot sa Grand Lotto 6/55 at Mega Lotto 6/45 draws nitong Lunes, Hulyo 6, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office.

Lumabas na winning combination sa Grand Lotto 6/55 ang 49-04-25-55-18-42, na may jackpot prize na umaabot sa halos ₱63.07 milyon. Walang ticket ang nakatama sa lahat ng anim na numero.

Sa Mega Lotto 6/45, lumabas naman ang winning combination na 03-36-06-32-16-45 para sa jackpot na ₱15 milyon. Ayon sa PCSO, wala ring nanalo sa naturang top prize.

Sa minor games, lumabas sa 4D Lotto ang kombinasyong 1-0-0-8, na may first prize na ₱10,000.

Sa 3D Lotto, ang mga resulta ay 1-8-9 para sa 2 p.m. draw, 0-3-6 para sa 5 p.m. draw, at 7-8-2 para sa 9 p.m. draw, na may tig-₱4,500 na premyo.

Sa 2D Lotto, lumabas ang 22-01 para sa 2 p.m. draw, 04-12 para sa 5 p.m. draw, at 05-12 para sa 9 p.m. draw, na may tig-₱4,000 na premyo.

Isinasagawa ang Grand Lotto 6/55 draws tuwing Lunes, Miyerkoles at Sabado, habang ang Mega Lotto 6/45 draws ay ginaganap tuwing Lunes, Miyerkoles at Biyernes. Ang 4D Lotto ay binobola rin tuwing Lunes, Miyerkoles at Biyernes. Araw-araw namang nagsasagawa ang PCSO ng 3D Lotto at 2D Lotto draws tuwing alas-2 ng hapon, alas-5 ng hapon at alas-9 ng gabi. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here