Home NATIONWIDE Pinakamahalagang inisyatiba sa transportasyon, edukasyon, iba pa aprubado ni PBBM sa 10th...

Pinakamahalagang inisyatiba sa transportasyon, edukasyon, iba pa aprubado ni PBBM sa 10th ED meet

3
0

MANILA, Philippines – Inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang ilang pinakamahalagang inisyatiba sa sektor ng transportasyon, edukasyon, enerhiya, disaster resilience, at artificial intelligence (AI) matapos pangunahan ang 10th Economy and Development (ED) Council meeting, araw ngn Martes, Hulyo 7, 2026.

Si Pangulong Marcos ang tumatayong chairman ng ED Council.

Sa katunayan, sinabi ng Presidential Communications Office (PCO) sa isang social media post na binigyan ng council ng go signal ang mga proyekto gaya ng panukalang pagbabago sa Light Rail Transit Line 1 South Extension Project para payagan ang interim operations ng Common Station at ang Project BEST (Boosting Employability in Strategic Technical and Vocational Education and Training Sectors).

Kabilang din ang Philippine Geothermal Resource Derisking Facility at ang mga hiniling na mga pagbabago sa Philippine Seismic Risk Reduction and Resilience Project para palakasina ng kaligtasan at katatagan ng ilang public school buildings sa Metro Manila.

“The ED Council also confirmed the Philippine Artificial Intelligence Infrastructure Master Plan 2026–2033, which will serve as the country’s long-term roadmap for advancing AI infrastructure, digital connectivity, and innovation to support sustainable economic growth and national competitiveness,” ang mababasa pa rin sa post.

Samantala, sa kapareho pa ring araw, dumalo si Pangulong Marcos sa 1st Semester 2026 Armed Forces of the Philippines Command Conference.

Sa nasabing event, iniulat ng AFP kay Pangulong Marcos ang kanilang campaign plan at operational accomplishments para sa isang ligtas at matatag na kapuluan.

Iniharap ng AFP kay Pangulong Marcos ang pagsusuri sa naging progreso ng mga operasyon, plano, at programa ng militar.

Nagbigay rin ng briefing ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas sa  Pangulo, na siya ring Commander-in-Chief,  hinggil sa mga naging tagumpay nito sa unang kalahati ng taon, gayundin sa mga plano at layunin para sa mga susunod na buwan.

Ang command conference ay nagsisilbing campaign review, kung saan iniuulat ng AFP sa Pangulo ang mga nagawa nito at sinusuri ang pagpapatupad ng campaign plan. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here