Home NATIONWIDE Pinas, makakukuha ng 5 ‘Abukuma’ destroyer escorts mula Japan

Pinas, makakukuha ng 5 ‘Abukuma’ destroyer escorts mula Japan

4
0
OLYMPUS DIGITAL CAMERA

MANILA, Philippines – Makakukuha ang Pilipinas ng limang newly-retired “Abukuma”-class destroyers mula Japan Maritime Self-Defense Force (JMSDF), mapalakakas nito ang naval capabilities, ayon kay Department of National Defense (DND) Secretary Gilberto Teodoro Jr.

“Administrative details na lang ang inaayos pero done na yun,” ayon kay Teodoro nang hingan ng updates sa proyekto.

Ang general-purpose warships ay bahagi ng Official Security Assistance (ODA) ng Japan, kung saan isang bagong cooperation framework na nagsimula noong April 2023.

Ayon kay Teodoro, ang probisyon ng frigates ay isang “sign of goodwill” mula sa Japanese government, kasama ang mga kasunduan kabilang na ang ‘radars at iba pang kagamitan.’

Ang paghahatid ng mga barko ay gagawin sa loob ng dalawa hanggang tatlong taon, kasunod ng pag-uusap na nagsimula pa noong nakaraang taon.

Sinabi ng Kalihim na titingnan din nila ang “current condition” ng mga barko para madetermina kung anong Philippine naval capabilities ang aakma sa Japanese craft.

Titingnan din nila ang constructing berthing o docking facilities para sa mga barko, sabay sbaing makakukuha ang bansa ng bagong warships sa mga darating na taon.

“Japan’s “Abukuma”-class destroyer escorts have a displacement of 2,000 gross tons, a length of 109 meters and a beam of 44 meters. It has a top speed of 27 knots and is armed with various anti-ship missiles, anti-submarine rockets and torpedoes along with a 76mm main gun and 20mm closed-in weapon system,” ayon sa ulat.

“The JMSDF operated a class of six ships, which were constructed from 1988 to 1991. These ships are optimized for anti-submarine and anti-ship warfare,” ayon pa rin sa ulat.

Samantala, sinabi ni Teodoro na ‘walang kabuluhan’ ang ginawang paglulunsad ng Tsina ng ballistic missile mula sa isa sa mga submarine sa Pacific Ocean dahil hindi ito “South Pacific country.”

Aniya, ang ipinakitang military muscle ng Tsina ay ‘provocative act.’

“This is a pattern, sa tingin ko, ng provocation ng China na magpakita ng muscle,” ayon pa rin kay Teodoro. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here