Home METRO Endangered PH crocodiles, mga pugad natagpuan sa Isabela

Endangered PH crocodiles, mga pugad natagpuan sa Isabela

3
0

ISABELA – Natagpuan kamakailan ang ilang critically endangered Philippine crocodiles at kanilang mga pugad malapit sa isang lawa sa San Mariano, Isabela, dahilan upang isulong ng mga awtoridad ang pagdeklara sa lugar bilang critical habitat.

Sa isinagawang site validation at monitoring, kinumpirma ng Department of Environment and Natural Resources, katuwang ang Biodiversity Management Bureau, ang presensya ng dalawang pugad na may hindi pa napipisang mga itlog, dalawang juvenile crocodiles at dalawang adult Philippine crocodiles.

Ayon sa mga awtoridad, pinatutunayan ng pagkakatuklas na mahalagang nesting at breeding area ang lugar para sa Philippine crocodile o *Crocodylus mindorensis*, isa sa mga pinakananganganib na crocodilian species sa mundo.

Layunin ng panukalang pagdeklara rito bilang critical habitat na maprotektahan ang mga buwaya at kanilang breeding grounds laban sa panghihimasok ng tao at iba pang banta.

Ayon sa Smithsonian’s National Zoo and Conservation Biology Institute, tinatayang mas mababa sa 100 hanggang humigit-kumulang 250 mature Philippine crocodiles na lamang ang natitira sa kagubatan. Malaki ang ibinaba ng kanilang populasyon dahil sa pagkawala ng tirahan at labis na panghuhuli noong nakaraan.

Sinabi ng mga conservationist na mahalaga ang pangangalaga sa critical habitats upang matiyak ang kaligtasan at pagdami muli ng species sa bansa. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here