Home NATIONWIDE CBCP, humingi ng tawad sa mga pamilyang nakaranas ng pagtatakwil matapos mamatayan...

CBCP, humingi ng tawad sa mga pamilyang nakaranas ng pagtatakwil matapos mamatayan sa suicide

3
0

MANILA, Philippines – Humingi ng tawad ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa mga pamilyang nakaranas ng pag-iisa, hindi pagkakaunawaan o pagtatakwil matapos mawalan ng mahal sa buhay dahil sa suicide.

Sa kanilang ika-132 plenary assembly sa Archdiocese of Ozamiz mula Hulyo 8 hanggang 10, nanawagan ang mga obispo na samahan nang may malasakit at pag-asa ang mga nagdadalamhating pamilya.

Hinikayat ng CBCP ang mga pari at lingkod-simbahan na maayos na isagawa ang funeral rites, ipahayag ang pag-asa kay Kristo at patuloy na pagtibayin ang kabanalan ng buhay ng tao.

Binigyang-diin ng mga obispo na ang suicide at mental health struggles ay hindi dapat ituring na kahinaan ng pananampalataya o parusa ng Diyos, kundi mga kondisyong kailangang unawain, gamutin at samahan.

Hinimok din ang mga parokya, Catholic schools, Basic Ecclesial Communities at mga pamilya na maging ligtas na lugar kung saan maaaring humingi ng tulong nang walang pangamba sa stigma.

Nanawagan ang CBCP sa mga nakararanas ng problema sa mental health na humingi ng propesyonal na tulong habang patuloy na nagsisikap ang Simbahan na bumuo ng mga komunidad kung saan ang lahat ay tinatanggap at sinasamahan. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here