Home ENTERTAINMENT Anjo, hindi na alam ang gagawin sa kaso vs TVJ, problemado!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Anjo, hindi na alam ang gagawin sa kaso vs TVJ, problemado!July 15, 2026 12:2920 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Nakausap ni Ogie Diaz si Anjo Yllana.Ito ang iniulat ni Ogie sa kanilang Showbiz Updates.May kinalaman ito sa ipinag-utos ng Mandaluyong City RTC na magbayad si Anjo ng P3.5 M bilang danyos.Olats o talo kasi si Anjo sa demandang isinampa laban sa kanya ng TVJ Productions, producer ng Eat Bulaga.Ito’y dahil sa mga mga nakakasirang-puring pahayag ni Anjo sa TikTok.Inatake kasi ni Anjo ang nasabing noontime show na dati niyang kinabibilangan at maging ang mga hosts nito.Iginiit ng korte na hindi lisensya ang freedom of speech para manira ng reputasyon ng ibang tao.Samantala, sa pakikipag-usap ni Ogie kay Anjo ay sinabi ng una na: “Honestly, hindi niya alam ang kanyang next move.”’Yung mabayaran ‘yung P3.5 milyon bilang damages, hindi din alam ni Anjo kung saan hahagilapin!”Ayon sa paliwanag ng isang abogado, hindi madaling lusutan ang hinihinging danyos ng TVJ kahit pa sabihin ni Anjo na wala siyang ibabayad.Kapag ganoon, maaaring kumpiskahin ng sheriff ang mga ari-arian ni Anjo tulad ng mgamamahaling gamit.Mga halimbawa nito’y kotse at painting.Puwede ding sulatan ng sheriff ang kumpanya kung saan kunektado si Anjo para kubrahin ang TF nito bilang pambayad.Maaari namang umapela si Anjo sa Court of Appeals sa loob ng 15 araw.Kaya wala munang writ of execution ang ilalabas ng korte habang tuloy ang pagdinig sa kaso. Ronnie Carrasco III