Home NATIONWIDE 35-anyos patay sa agawan ng tubig

35-anyos patay sa agawan ng tubig

2
0

CAUAYAN CITY, Isabela – Dahil sa kakapusan ng tubig at init ng panahon ay nagbuwis ng buhay ang isang 35 anyos na mister matapos makipag-agawan sa tubig nang oagtatagain ng isang lolo sa Barangay San Fermin, Cauayan City, Isabela.

Nagsimula ang alitan matapos umanong pagsabihan ng suspek ang biktima dahil sa paglipat nito ng timba habang umiigib ng tubig.

Nauwi umano sa pananambunô ang dalawa hanggang sa kumuha ng itak ang suspek at tinaga ang biktima sa ulo.

Nagawa pang makapunta ng biktima sa pagamutan upang magpagamot, habang kusang sumuko naman sa kapulisan ang suspek.

Inihahanda na ang kasong isasampa laban sa lolo na wala umanong pinagsisihan. REY VELASCO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here