Home NATIONWIDE Malakanyang umaasa, priority bills ni PBBM ipapasa ng Kongreso sa gitna...

Malakanyang umaasa, priority bills ni PBBM ipapasa ng Kongreso sa gitna ng impeachment

2
0

MANILA, Philippines – UMAASA ang Malakanyang na ipapasa ng Kongreso ang mga priority legislative measures ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa kabila ng nalalapit na deliberasyon ng panukalang 2027 national budget at nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na nananatiling kumpiyansa ang Pangulo na bibilisan ng ng mga mambabatas ang pagkilos sa priority bills ng administrasyon dahil nakalaan ito para mapakinabangan ng publiko.

“Since iyan po naman din ay priority bills ng Pangulo ay umaasa po siya na ito ay mapapabilis kasi ito ay para talaga sa ating mga kababayan,” ayon kay Castro matapos na tanungin kung kumpiyansa ang administrasyon na ang mga panukalang batas ay maaaprubahan ngayong taon sa kabila ng paglipat ng pansin at pokus ng Kongreso sa panukalang national budget sa susunod na bwuan impeachment proceedings ng Senado.

Nagbigay din ng update si Castro sa kalagayan ng 8 priority measures na tinukoy ng Pangulo.

Ani Castro, ang panukalang National Center for Geriatric Health Act, pag-amiyenda sa Government Assistance to Students and Teachers in Private Education (GASTPE) Act, at panukalang Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) Act ay nananatiling nakabinbin sa bicameral conference committee.

Ang panukalang amiyendahan ang Universal Access to Quality Tertiary Education Act ay nakabinbin din habang ang Last Mile and Geographically Isolated, Disadvantaged and Conflict-Affected Areas Schools Act ay naka-enroll at ang kopya nito ay naka-transmit na sa Malakanyang noong Hunyo 25.

Samantala, ang panukalang amiyendahan ang Masustansyang Pagkain para sa Batang Pilipino Act ay sponsored na sa Senate floor noong Hunyo 17.

Tinuran pa ni Castro na ang panukalang Anti-Political Dynasty Act ay inaprubahan na sa third reading ng Mababang Kapulungan ng Kongreso at kasalukuyang nasa ilalim ng ‘period of interpellation’ para sa second reading sa Senado.

Ang panukalang Presidential Merit Scholarship Program, ay pumasa na sa Kongreso sa third reading at nakabinbin sa Senate Committee on Higher, Technical and Vocational Education.

At nang tanungin si Castro kung tatalakayin ng Pangulo ang kanyang mga priority measures sa nalalapit na State of the Nation Address sa Hulyo 27, tumangging magbigay ng detalye si Castro ukol dito.

“Ayaw kong pangunahan ang Pangulo,” aniya pa rin. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here