Home NATIONWIDE SC nagpataw ng mas mataas na penalty sa psychological violence sa social...

SC nagpataw ng mas mataas na penalty sa psychological violence sa social media

2
0
(c) Remate File Photo

MANILA, Philippines – Pinataasan ng isang degree ng Korte Suprema ang parusa sa mga opensang isinagawa sa pamamagitan ng social media.

Sa 20 pahinang resolusyon na ipinonente noong Hunyo 2026, tinanggihan ng SC First Division ang motion for reconsideration na inihain ng petitioner XXX, at sinabing bigo nitong mapatunayan ang anumang ground o argumento para sa reversal ng desisyon.

“[The case] illustrates how social media can be misused to facilitate psychological abuse and exacerbate the suffering and humiliation of the offended party,” saad sa resolusyon.

“As such, the law mandates the imposition of a higher penalty in recognition of the greater and more far-reaching harm done when violence is inflicted through an ICT system,” dagdag pa.

Ayon sa korte, sina XXX at AAA ay magkarelasyon ng tatlong taon at nabuntis si AAA.

Nag-alok ito na pakakasalan ngunit tumanggi ang babae dahil sa problema sa kanilang relasyon.

Dito na nanirahan ang babae sa kanyang mga magulang at mag-isang pinalaki ang anak.

Sa pagbisita sa anak, biglang hinatak ni XXX si AAA, dahilan para i-block ito sa lahat ng social media accounts.

Ilang taon ang nakalipas, sinabi ng SC na nakakatanggap ng private message ang mga kapatid ni AAA mula sa account na pagmamay-ari ni XXX.

Idinidiin nito na nagkaroon ng heart attack ang kanyang ina dahil kay AAA.

Nagpost din ng kaparehong sentimyento sa Facebook ang parehong account at tinatawag sa mga mapanglait na pangalan at pinagbantaan pa.

Paulit-ulit ang pang-iinsulto nito sa mga comment sa post.

Naghain si AAA ng reklamo laban kay XXX sa paglabag sa Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004.

Nakita si XXX na guilty ng Family Court and the Court of Appeals habang inisyal na kinatigan ng SC ang conviction.

Naglabas ng parusa ang korte na pagkakulong mula anim na buwan hanggang walong taon, at multang P100,000 at psychological counseling o psychiatric treatment.

Umapela naman si XXX sa desisyon.

Sa pagtanggi sa mosyon, sinabi ng SC na ang kanyang authorship sa acebook post ay established beyond reasonable doubt.

Sa kabila nito, nagpataw ng multa na mas mataas ng isang degree ang SC.

Ayon sa SC, binibigyang mandato ng Section 6 ng Cybercrime Prevention Act of 2012 ang mas mataas na multa ng isang degree para sa mga krimen na isinagawa gamit ang information and communications technology (ICT). RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here