Home HOME BANNER STORY International Pet Summit 2026, magbabalik sa Hulyo 24–26

International Pet Summit 2026, magbabalik sa Hulyo 24–26

3
0

MANILA, Philippines – Magbabalik ang International Pet Summit (IPS) Philippines 2026 sa Hulyo 24 hanggang 26 sa SMX Convention Center Manila, matapos ang matagumpay na edisyon nito noong 2025.

Pinangungunahan ng PVDA Foundation, Inc. at Philippine Veterinary Drug and Nutrition Association (PVDNA) ang tatlong araw na pagtitipon na naglalayong isulong ang responsableng pag-aalaga ng alagang hayop.

Noong 2025, mahigit 27,000 katao ang dumalo sa IPS, na kinilala bilang isa sa pinakamalalaking pet events sa Pilipinas at Asya.

Kabilang sa mga tampok sa IPS 2026 ang libreng konsultasyon, bakuna at diagnostic services para sa mga alagang hayop, mga seminar tungkol sa tamang pag-aalaga at nutrisyon ng mga alaga, mga talakayan ng pet behavior experts, animal welfare advocacy activities, giveaways, raffle, pet fashion show, at iba pang interactive na aktibidad para sa mga pet owners at kanilang mga alaga.

Bukas ang summit sa publiko at inaasahang dadaluhan ng mas maraming exhibitors, veterinary professionals, animal welfare groups, at pet lovers ngayong taon.

Ayon kay Dr. Corazon Occidental, pangulo ng PVDA Foundation, Inc., layunin ng International Pet Summit na palakasin ang responsableng pet ownership, animal welfare, at pakikipagtulungan ng mga pet owners, beterinaryo, at iba pang organisasyon para sa kapakanan ng mga alagang hayop. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here