Home NATIONWIDE Cayetano sa ghost project probe: Ba’t Taguig lang?

Cayetano sa ghost project probe: Ba’t Taguig lang?

4
0

MANILA, Philippines — Kinuwestiyon ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano kung bakit Taguig City lamang umano ang pinagtutuunan ng imbestigasyon sa mga hinihinalang ghost flood control project, sa halip na siyasatin din ang kaparehong alegasyon sa ibang lugar.

Sa isang Facebook live noong Hulyo 19, naghayag ng pagtataka si Cayetano matapos sabihin ni Public Works Secretary Vince Dizon na iniimbestigahan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang mga alegasyong inilabas ni Senator Panfilo “Ping” Lacson.

Nauna nang tinukoy ni Lacson ang dalawang hinihinalang ghost project sa Taguig. Lumabas din umano sa paunang pagsusuri ng kanyang grupo ang malaking bilang ng slope protection at drainage project na karamihan ay nagkakahalaga ng tig-P100 milyon at may kabuuang halagang humigit-kumulang P2.085 bilyon.

Iginiit ni Cayetano na dapat imbestigahan ng mga awtoridad ang lahat ng hinihinalang ghost project sa bansa at huwag lamang tumutok sa kanyang political bailiwick.

“Sabi nga ni Manong Chavit Singson, sa Ilocos daw meron. Ewan ko kung totoo o hindi. Pero ang tinitingnan lang ni Senator Lacson ay Taguig (As Chavit Singson said, there’s also ghost project in Ilocos. I don’t know if that is true or not. But Lacson is just concentrating in Taguig),” ani Cayetano.

“Ba’t hindi mo ipatawag isa-isa ‘yan? Bakit sa Taguig ka lang nakatingin (Why won’t you call each of them? Why are you only looking at Taguig)?” dagdag niya.

Sinabi rin ni Cayetano na personal na ininspeksiyon noong Abril nina Dizon, Taguig Mayor Lani Cayetano at mga opisyal ng DPWH ang ilang infrastructure project sa lungsod bilang bahagi ng monitoring ng ahensiya.

Handa umano siyang managot sakaling mapatunayang may iregularidad sa mga flood control project sa Taguig, ngunit iginiit niyang dapat maging patas at saklawin ang lahat ng lugar sa imbestigasyon.

“Integrity is very important. So, why not give integrity sa investigation natin sa flood control at sa lahat ng malalaking corruption issues?” ani Cayetano.

“Ngayon kasi, bad governance at ‘bend the law.’ Tapos tatakpan na lang sa maraming ayuda para wala na lang magtanong. Tapos kapag may nagtanong, ikulong na lang ‘yan,” dagdag niya. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here